5.15 Statement from OKINAWA

日米軍事再編計画は沖縄の負担軽減にはならない.

Panawagan Ika-15 ng Mayo

Inaalipusta at kinukutya ng Realignment Initiatives na inisyu ng US-Japan Security Consultative Committee ang mga residente ng Okinawa

Sa kabila ng patuloy na pagpapamukha ng dalawang gobyerno na ang naturang mga inisyatiba ay "iniibsan ang pasanin ng Okinawa," sa katotohana'y ipinapakita lamang ng pahayag na ito ang panlilinlang sa mga taga-Okinawa.

Buong-puso kaming pumoprotesta sa mga gobyernong US at Hapon at dinedeklara namin ang sumusunod na apat na punto:

1. Hindi maiibsan ang pasanin ng Okinawa ng Realignment Initiatives ng pwersang US sa Japan.

2. Dapat ipasara ang Marine Corps Air Station (MCAS) Futenma nang walang kondisyon at sa lalong madaling panahon.

3. Lubos kaming tumututol sa planong pagtayo ng bagong pasilidad sa Henoko Bay at Oura Bay na pamalit sa MCAS Futenma. Determinado kaming pigilan ang planong ito.

4. Tumututol kami sa kapwa paggamit at sabayang pag-eensayo ng pwersang US at pwersang Japanese Self Defense sa Okinawa.

Taihei Okada at Iba Pa